KABANATA 7 : Kung Kailan Tahimik ang Mundo
Dalawang linggo.
Labing-apat na gabi nang hindi nagpaparamdam si Jeanine sa singing app.
Walang notification ng “Jeanine has entered the room.”75Please respect copyright.PENANARCC5qbTeu4
Walang kalabit ng boses niyang masarap sabayan kahit nakapikit.75Please respect copyright.PENANAH4ofq3uXA0
Walang sarkastikong hirit. Walang pang-asar. Walang awitin.
Tahimik.
At sa mundo ni Dominic, ang katahimikan ni Jeanine…75Please respect copyright.PENANAr7ifwL9Cv8
mas malakas pa sa bagyong dumaan.
Noong una, inisip niya baka abala lang.75Please respect copyright.PENANASHLGS6KIpn
Baka may family gathering, o kaya’y overloaded sa work.75Please respect copyright.PENANAjuDXAz7NlE
O baka… sadyang nagpa-pahinga lang sa online life.
Pero pagkalipas ng anim, pito, walong araw—hindi na siya mapakali.
Ilang beses na siyang nag-PM.75Please respect copyright.PENANATJdEnmyTyY
"Hey, Jeanine. Hope you're okay."75Please respect copyright.PENANAFho0Oukrou
"Namimiss ka na ng mic."75Please respect copyright.PENANAEXyxyyFRb0
"Sabihin mo lang kung gusto mong tumahimik. Pero sana wag ka sanang mawala."
Walang reply.
Kahit “seen,” wala.
Naisip niyang i-check ang private support group ng mga dating finalist sa app, kung saan parehong member sila. Doon niya nakita ang isang simpleng update mula sa co-admin:
“Please send strength kay Jeanine. Naka-schedule ang chemo niya today.”
Chemo.
Parang tinamaan si Dominic ng saksak sa dibdib.
Hindi siya agad nakagalaw.75Please respect copyright.PENANAoJXpdhH1I9
Hindi rin siya agad nakapagsalita.
Leukemia.
Stage 1 daw, ayon sa update.75Please respect copyright.PENANAVxraeovYjp
Namamana raw sa pamilya nila. Matagal nang alam ni Jeanine. Pero itinago.
Walang pa-blind item. Walang drama. Walang “pity post.”
Tahimik.
Gano’n kabigat, gano’n kababae.
Hindi na siya nagtanong.75Please respect copyright.PENANAMNT9qq6mK8
Hindi siya nagpilit ng kwento.
Ang ginawa ni Dominic?75Please respect copyright.PENANAovfh8dx2Bw
Araw-araw siyang nag-record ng kanta para kay Jeanine.75Please respect copyright.PENANAGBDKYODiA2
Isinend niya privately sa PM kahit walang reply.
Minsan acoustic.75Please respect copyright.PENANAgb324TI2Sf
Minsan lullaby.75Please respect copyright.PENANAT0IoLS8LZx
Minsan spoken poetry lang, gamit ang sariling boses.
Pero may isa lang siyang message lagi sa dulo ng recordings niya:75Please respect copyright.PENANAvVogom5Clk
“Di mo ako kayang i-mute, Jeanine.”
Pagkalipas ng halos dalawa’t kalahating linggo, isang gabi, bigla na lang siyang nagulat sa isang notification:
“Jeanine has entered the room.”
“DOMS. May utang ka sa’kin na kanta.”75Please respect copyright.PENANAIS9uKNWo2c
Sambit ni Jeanine—live na live, same sarcastic tone, parang walang nangyari.
Napangiti si Dominic sa sarili niya habang nanlalamig ang mga palad niya.
She’s back.
Pero mas higit pa sa pagiging masaya…75Please respect copyright.PENANAEOVFYxL8Pu
nabigla siya.
Kasi pagpasok ni Jeanine sa stream, parang wala talagang pinagdadaanan.
Hindi mo makikita sa mga mata niya ang pagod.75Please respect copyright.PENANAoit95M6Z3R
Hindi mo maririnig sa boses niya ang lungkot.75Please respect copyright.PENANAbQgN2Q5B1K
Walang bakas ng hirap, kahit pa kakatapos lang daw ng cycle ng chemo therapy.
Kumanta siya ng “Rise Up” by Andra Day.
At sa bawat linya, damang-dama ni Dominic ang tahimik na sigaw ng kaluluwa ng isang babaeng nilalabanan ang sakit sa pamamagitan ng musika.
“I'll rise up, I'll rise like the day75Please respect copyright.PENANAbiu11GFXHi
I'll rise up, in spite of the ache…”
Hindi siya nag-break.75Please respect copyright.PENANAHgtaF2594b
Hindi siya naupo sa kalungkutan.75Please respect copyright.PENANARcYnTvec04
Walang kahit anong emosyon ang bumara sa boses niya.
Perpekto.
Pagkatapos ng kanta, nagulat ang lahat nang ngumiti siya sa camera.
“Okay. Next song tayo. Pero uminom lang muna ako ng meds. Pampalakas boses.”
Tawa ang lahat.
Pero sa gitna ng mga komento, may isang nagtanong:
“Ate Jeanine, totoo po ba yung sinabi sa group na may sakit ka?”
Biglang natahimik ang stream.
Si Dominic, hinintay ang sagot habang nakapikit.
Tumingin si Jeanine sa camera. Hindi nakangiti. Hindi rin umiwas ng tingin.
“Stage 1 leukemia. Pamilya namin, may lahi raw talaga. Swerte ko at maaga nahuli.”
Tahimik.
“Pero wag kayong mag-alala,” dagdag niya,75Please respect copyright.PENANAEDRoytNFUH
“Hindi ako papatumba nang walang laban. At definitely, hindi ako aalis sa app na ‘to na walang farewell concert. Kaya chill lang kayo. Mas matagal pa akong kumanta kaysa sa sakit na ‘yan.”
Umulan ng mga heart reacts at "laban" comments.75Please respect copyright.PENANAL6pWGFN7Nu
Pero si Dominic?
Tahimik lang siyang nakatitig sa screen, pilit nilulunok ang buhol sa lalamunan niya.
Makalipas ang stream, sinubukan niyang tawagan si Jeanine privately.75Please respect copyright.PENANACwCNYWVn6V
Nagulat siya nang sinagot ito sa unang ring.
“Oh, the admin is alive!”75Please respect copyright.PENANAk5AXyFOa6N
bati ni Jeanine.
“And you—di mo man lang sinabi. Two weeks, Jeanine.”
“Doms…”75Please respect copyright.PENANA0aFe4aSuN6
Seryoso ang tinig ni Jeanine. “Anong gusto mong marinig? Na natakot ako? Oo. Na nahirapan ako? Oo rin. Pero ano ba, magpaawa ako sa’yo sa chat?”
“Hindi. Pero sana pinaalam mo. Sa akin lang.”
May katahimikan.
Saka siya sinagot ni Jeanine:75Please respect copyright.PENANA3KUuwmsLzC
“Ikaw lang talaga ang may karapatan sa ganon?”
Hindi niya alam kung paano sumagot.75Please respect copyright.PENANAPkkfNkgJ8k
Pero ramdam niya ang sakit sa tinig nito.
Pagkaraan ng ilang segundo, muling nagsalita si Jeanine.
“Doms, ayoko ng pity. Ayoko rin ng silence. Kaya bumalik ako. Kasi gusto kong maramdaman na hindi lang ako may sakit—kundi isa pa rin akong singer. Isa pa rin akong ako.”
At doon, tuluyang bumagsak ang mga luha ni Dominic—tahimik, hindi drama. Hindi dahil sa awa.75Please respect copyright.PENANAjVS6l5SLnh
Kundi dahil sa paghanga. Sa lalim. Sa tapang.
“Alam mo,” sambit niya,75Please respect copyright.PENANAGxvBirwds7
“ikaw ang pinakamasayang malungkot na taong nakilala ko.”
Tumawa si Jeanine.
“At ikaw ang pinaka-praning na admin.”
Nagsimula silang tumawa.
Sa gitna ng mga luha at tawa, natahimik ulit si Dominic.
“Pwede bang ako na lang ang maging lakas mo kung sakaling mapagod ka?”
“Doms…”
“Wala lang. Tanong lang. Di mo naman kailangang sagutin ngayon.”
Sa kabilang linya, maririnig mo lang ang hinga ni Jeanine. Mabagal. Malalim.
Saka siya bumulong:
“Sige. Pero pakisigurong hindi ka madaling mapagod, ha?”
At sa gabing ‘yon, habang pinapakinggan niya ulit ang last recording ni Jeanine,75Please respect copyright.PENANA0mJnpbWYfR
alam na niya—
Sa bawat nota ng sakit,75Please respect copyright.PENANA3gvMLToli7
nandoon ang himig ng pag-asa.75Please respect copyright.PENANAdHS630qX9x
At ang pangalan ng kanta… ay Jeanine.